Monday, December 23, 2024

Ang Review Ng Isang Newbie Sa E-Book Ni GandaKoh About Sa Stock Market!

Ang Review Ng Isang Newbie Sa E-Book Ni GandaKoh About Sa Stock Market!

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Masaya siyang basahin at hindi siya tulad ng ibang libro na pinupush ka na gawin agad ang pinupunto nila sa kanilang sinusulat. Sa kanya, its all about sa stock market. Since hindi pamilyar ang Pilipino dun, nagawa niyang gawing simple at mas naiintindihan ang stock market sa pamamagitan ng dahan-dahan o isa-isang paliwanag na parang tipo siya ang kausap mo na harapan bilang kaibigan na nagmamalasakit sa kinabukasan mo habang binabasa mo ang kanyang sulat. Ang nagustuhan ko ay yung nagawa niyang ipaunawa kung bakit kailangan pag-isipan o pagplanuhan ang pagpasok sa stock market. Nagawang ipunto nung nagsusulat ang kanyang mensahe at nagawa niyang ma-hook ang interes ng nagbabasa na pasukin ang mundo ng Stock Market dahil nagbigay siya ng sitwasyon na talagang makakarelate ang lahat at pinaintindi niya ang good at bad side ng stock market kumbaga, balanse kasi maayos at maganda ang pagkakapaliwanag kaya hindi ka matatakot na subukan.

Unlike sa iba na nabasa ko, laging sinasabi na maganda itong pasukin at super komplikado minsan ng content na parang dun pa lamang, nadiscourage ka na pasukin ang mundo ng Stock Market. Nagawa niyang makuha ang interes ng nagbabasa at nagiging kaabang-abang ang kasunod na kabanata ng kanyang sinulat. Sa tingin ko, magiging hit ito.