Tuesday, December 24, 2024

May Pag-asa pa ba sa Magandang Bukas?

May Pag-asa pa ba sa Magandang Bukas?

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Ngayong panahon na ito ay marami ang nakakaranas ng paghihirap. Alam natin na pahirap ng pahirap ang ating buhay at ang presyo ng mga bilihin ay pamahal ng pamahal. Ang mga nararanasan nating mga kalamidad ay palakas ng palakas. Lalo tayong nawawalan ng pag-asa na magkakaroon ng magandang bukas dahil sa mga sitwasyon na ito. Mayroon pa ba tayong pag-asa na magkakaroon tayo ng magandang bukas?

Alam natin na malaki ang problema natin ngayon at lalo pa itong lumalaki dahil sa wala o kaunti lang ang ginagawa ng ating mga liders para solusyonan ang suliranin na kinakaharap natin. Maaaring wala na tayong maaasahan sa ating mga liders ngunit hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa. Dapat magtulungan tayo para maibangon ang ating mga komunidad. Dapat gawin nating kanlungan ang ating mga komunidad. Itong mga kanlungan na ito ay tutulong para makabangon ang ating mga kababayan at maaaring makatulong din sa atin kapag tayo naman ang nagkaproblema. Ang ating komunidad ay dapat maging kanlungan ng lahat ng miyembro nito upang mapanatili ang kapayapaan at kasaganaan ng lahat. Marami ang napapariwara dahil wala silang mahanap na kakalinga at kakanlong sa kanila. Kung sila ay makakahanap lang ng komunidad ng magiging kanlungan nila ay makakawala na sila sa pagkakahawak ng masasamang bisyo at gawain.

Ang ating bayan ay ating responsibilidad. Responsibilidad natin na gawing kanlungan ng kabutihan ang ating pamayanan kaya dapat gawin natin lahat para matupad iyon. Dapat maging responsible sa lahat ng ating gagawin. Maging responsable sa pagboto at pangangalaga sa kapaligiran. Maging mapag-unawa sa kapwa at pakinggan ang kanilang mga problema at sila ay tulungan at kanlungin sa ating mga pamayanan para hindi mapariwara. Marami ay nangungulila sa pag-ibig kaya dapat ibahagi natin ang pag-ibig sa ating kapwa para sa isang mapayapa at magandang kinabukasan.

May pag-asa pa para sa isang magandang bukas. Gawing kanlungan ng nangangailangan ang ating pamayanan at maging kanlungan din ng kabutihan. Gawing kanlungan ng mabubuting negosyo na makakatulong para mapaunlad ang ekonomiya ng komunidad at para makatulong sa pangangalaga ng kalikasan. Sana sa mga darating na panahon ay maging kanlungan ng pangarap ang ating bayan.

Ang sanaysay na ito ay lahok sa Saranggola Awards 2024.